Ngayong Buwan ng Wika 2014, ibinabandera ng Komisyon sa
Wikang Filipino (KWF) ang halaga ng wikang Filipino bilang wikang nagbubuklod
sa bansa. Filipino: Wika ng Pagkakaisa ang tema ng pagdiriwang ngayong taon na
magtatampok ng mga gawaing pangwika at pangkultura na pangungunahan ng KWF sa
buong bansa.
Sa pamamagitan ng pagsusulat o pagsasalita, ang wika ang
pinakamabisang paraan upang maihatid ang kaisipan at mapanatili sa madaling
hakbang ang kasaysayan at tala ng sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon,
malalaman ng mga kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na ginawa noong una
upang maituloy ito sa mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi magagandang
pangyayari noon. Ito ang ilaw na magiging tanglaw ng mga Filipino upang
mapabuti pa ang mga gawain. Ito rin ang magsisilbing lakas upang maisakatuparan
ang mga naudlot na pangarap noong simula pa.
Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na
ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang
tao. Hindi lamang ito isang paraan ng pakikipag-usap niya sa kapwa kundi
ginagamit din niya upang makipagkaibigan, makipagtalakayan at maibahagi ang
kanyang iba't ibang opinyon at kaisipan. Sa buong kasaysayan, maraming mga
bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa mga tao,
sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa.Dapat Nating Gamitin
ito..
No comments:
Post a Comment